Note: A poem I wrote so many years ago…I think I was trying to compose a Tagalog song then, but I didn’t finish.
Kung ikaw ay lilisan at tataliwas sa aking mundo
at tumahak ng isang landas na tutungo sa naiibang paglakbay,
lubos na salungat sa mundong aking tinatamasa,
sa ganun ay lalo pang ipagkait sa akin
ang iyong mga halik na wala kasing bighani,
katulad ng mga rosas sa talahiban ni Makiling;
Ako ay lilisan na at susuko na sa bawat pagsamo
Ng ano mang pag-ibig na aking magigisnan,
Sa landas na aking patutunguhan
O di kaya ay sa aking pagbalik.
Aanhin ko ang mga tala sa kalangitan?
Maging sila man ay nabibighani at nagpapariwasa rin
Sa buong kalangitan habang ikaw ay pinagmamasdan,
sa kalawakan.
Kung hindi man magigisnan ang iyung mga matang
Kasing lalim ng isang libo’t kalahating daang karagatan,
Aanhin ko pa ang aking makamundong pagnanasa,
Kung hindi man ikaw ang makapiling habang tumatangis ang gabi,
Sa taghoy ng ugong ng aking pang-uulila.
Sa isip ko, and mga labi mo’y naglalagablab
Habang kita’y pinagminamasdan, papalayo at papalapit,
Kung saan sa bawat pagtibok ng ating puso at damdamin,
At sa mga hinagpis ng iyung mga daliri,
At sa bawat pagtagpo ng ating mga halik,
Ang langit ay ating tatahakin,
Datapuwa’t tayo ay nasa lupa pa man din.
No comments:
Post a Comment